i never denied the fact that im not happy of what happening in my own country...our country is getting more poor, any filipinos wont be happy too...this video not only a protest against the government but this is also for our ownselves...kaya natin to!! (we can do it!!!)
Walang Iwanan sa Bayan ni Juan-Bagong Simula
[Kevin Roy] Parang isang gabing walang katapusan Sa bawat mesa, asin lagi ang ulam umaalog sa alkansya pisong pinagpawisan Batang nakahubad kumot ang lansangan
[Yael Yuzon] lupaing kinalbo minsa’y nadidilig Ng dugo sa away ng kapatid sa kapatid
[Mark Abaya] Sa kalagayang ito tayo ay nakagapos Parang awa sana ay dito magtapos
(CHORUS) Todo na to!
Liparin ang langit na bughaw Pagningningin mga tala at araw Mamumulang muli ang silangan sa bagong simula ng ating bayan
[Kitchie NAdal] wag lang maulit kapalarang kay pait wag magpabaya wag kang manahimik wag kang manlalamang, wag kang manggigipit wag magkanya-kanya, magkaisang bisig
[Yeng Constantino] Pag malasakit ito’y kabayanihan gawin mo ano mang makayanan kalagayan ng baya’y sumasama lamang kung walang gagawin tayong mamamayan
(Chorus) Todo na to!
Liparin ang langit na bughaw Pagningningin mga tala at araw Mamumulang muli ang silangan sa bagong simula ng ating bayan
[Placid] Liparin ang langit na bughaw Pagningningin mga tala at araw Mamumulang muli ang silangan sa bagong simula ng ating bayan
[Tugma]
[Narration] Ipakita natin sa ating mga magulang mga kapatid kaya natin to isang subok pa, sabay sabay na walang kokontra, todo na to
(CHORUS) Todo na to! Liparin ang langit na bughaw Pagningningin mga tala at araw Mamumulang muli ang silangan sa bagong simula ng ating bayan Bagong simula ng ating bayan